Saturday, May 8, 2010

i dont know..

So, kaninang umaga hanggang tanghali, walang paramdam si Ruben. Sobrang dissappointed ako. Dumadating sa point na wala akong ganang magtrabaho. May nararamdaman na nga siguro ako sa kanya. Siguro nga may something na. Di ko alam. Pero alam mo, si Manny, natatawa ako kasi napansin ko cya nuon eh. Dati pa yun nung hindi pa ako nagttrabaho sa KFC. Pero ngayon, kasakasama ko na rin. Nagkakaholding hands na kami. Nagtatawagan. Nagaakbayan. Pero alam mo nung bandang gabi na, tawag ng tawag si Ruben. Di ko nasasagot kasi kasama ko si Manny. Pero tawag cya ng tawag talaga. Tapos i asked manny if I can answer his call, sabi niya naman ok lang. Then sinagot ko, pero andami niyang tanong. Tinatanong kung nasan ako. Ganun ganun. Sabi pa nasa bar daw ako. Pinapatahimik pa ko kasi parang may naririnig daw cyang music sa background. Eh nasa bus naman talaga ko nun. Di ko alam ano bang dahilan bat cya tumawag. Alam mo, gustong gusto ko si Ruben. Pero masyado cyang lapitin ng babae. Pati nga yun taga Taco Time lumalantutay na ren! Hay nako. Nakakainis talaga! Pero sabi ni Ruben wala daw cyang number nun, at wala rin daw number un sknya. Nakakainis talaga cya! Kasi naman pumasok pasok pa sa buhay ko yun unggoy na un eh! hay nako. Ewan ko! Naguguluhan ako.. Di ko maintindihan yun nararamdaman ko kay Ruben! Gusto ko cya pero naiinis ako kasi andami niyang babae! Bwisit talaga! :( Bwisit!

0 comments:

Post a Comment